19 na hepe ng Western Visayas, ni-relieve dahil sa bigong kampanya laban sa ilegal na droga

Manila, Philippines – Labing siyam (19) na hepe ng Western Visayas ang ni-relieve dahil sa bigong kampanya nila laban sa ilegal na droga.

Anim (6) sa na-relieve na mga hepe ang nanggaling sa Capiz partikular sa bayan ng Pilar, President Roxas, Maayon, Sigma, Mambusao at Tapaz.

Habang siyam (9) na mga hepe ay sa Iloilo Police Provincial Office, tatlo (3) sa Aklan Police Provincial Office at isa (1) sa Antique Police Provincial Office.


Batay sa rekomendasyon ng regional oversight committee sa police regional office 6, nabigo ang mga ito na makahuli ng street-level target (slt) o High-Value Target (HVt) na mga drug personalities simula nitong Marso hanggang Hunyo.

Lumabas din sa report na apatnaput’ dalawa (42) sa mga municipal police stations sa rehiyon — walang accomplishment kung saan labing siyam (19) sa mga ito ang non at low performers.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments