Thursday, April 30, 2026

19 sasakyan ng mga Discaya, hawak na ng BIR

Nasamsam na ng Bureau of Internal Revenue o BIR kahapon, April 29, ang 19 sasakyan ng mga Discaya matapos i-release ng Bureau of Customs (BOC).

Sa kabuuan, 15 sa mga ito ang kasalukuyang nasa ilalim ng constructive distraint o legal na hakbang ng BIR para mapreserba at maseguro ang mga ari-arian habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Napag-alamang nakarehistro ang mga ito sa pangalan nina Pacifico F. Discaya II at Cezarah Rowena Discaya.

Samantala, apat pang sasakyan ang isinailalim sa constructive seizure dahil sa umiiral na tax assessment laban sa St. Gerrard Construction General Contractor & Development Corporation.

Matatandaang naghain ang BIR ng criminal tax cases sa Department of Justice noong 2025 kaugnay ng P7.18-bilyong tax liabilities ng mga Discaya at P998-milyong tax liability ng St. Gerrard Construction General Contractor & Development Corporation.

Facebook Comments