191 SILID-ARALAN SA ILOCOS REGION, NAAPEKTUHAN NG NANGYARING LINDOL

25
Aabot na sa 191 na silid-aralan sa Ilocos Region ang naapektuhan ng malawakang lindol sa Hilagang Luzon.
Sa datos na ibinigay ng Department of Education Region 1, nagkaroon ng minor damages sa mga paaralan sa Ilocos Norte, 5 sa Ilocos Sur, 63 sa Pangasinan at tatlo (3) sa La Union.
Nasa 17 naman ang kabilang sa major damage kung saan isa (1) Ilocos Norte, dalawa (2) sa Ilocos Sur, 14 sa Pangasinan.

Sa Total Damage, nakapagtala ang rehiyon ng 26 na silid aralan na mula sa Ilocos Norte na mayroong apat, 4 sa Dagupan City at 18 sa Binalonan.
Isa namang ang naitalang personnel ng DepEd na mula sa Ilocos sur ang sugatan.
Ginagamit naman ang 15 paaralan sa rehiyon bilang evacuation centers para sa mga indibidwal na lumikas matapos maapektuhan ng lindol. | ifmnews
Facebook Comments