DALAWANG LIBONG SAKAHAN SA ILOCOS SUR APEKTADO NG NASIRANG IRIGASYON DAHIL SA LINDOL

Aabot sa dalawang libong ektarya ng sinasaka ang apektado ng patubig sa lalawigan ng Ilocos Sur ayon sa National Irrigation System Region 1.
Matapos ang kanilang assessment naitala nila ang 150 meters damage sa Banaoang Pump Irrigation System sa Munisipalidad ng Bantay Ilocos Sur.
Wala namang naitalang malaking sira sa lalawigan ng Pangasinan, Ilocos Norte at La Union.

Samantala, tinatayang aabutin ng P15-milyon ang halaga ng magagastos sa pagsasaayos sa nasabing Irrigation Canal. | ifmnews 
Facebook Comments