May kabuuhang 1B,11M pesos ang nakalatag na budget ng NIA Region 5 para ngayong taon.
Ito ay napag-alaman sa pahayag ni NIA Spokesperson Ed Yu sa pakikipag-ugnay ng RMN DWNX Naga.
Ang nasabing budget ay nakalaan para sa 145 projects ng NIA sa iba’t-ibang bahagi ng Kabikolan.
Inaasahan din na maliban sa mabenepisyuhang mga magsasaka sa rehiyon, ang nasabing pondo ay magbibigay din ng trabaho sa tinatayang 5 libong katao.
Pangunahing target ng nasabing mga proyekto ng NIA na mapatubigan ang mga nasa 770 hektares na farmlands ng maraming magsasakaa sa rehiyon ngayong taong 2020.
Kabilang din sa nasabing pondo ang pag-rehabilitate ng mga lumang irrigation systems, canals at pagpapatayo ng mga structures at pagpapagawa ng mga service roads na umaabot sa 25 kilometres para mapabuti pa ang farm-to-market roads na lubhang mahalaga para sa mga magsasaka sa mga liblib na lugar sa rehiyon.
With report from RadyoMaN Paul Santos
1B,11M NIA-Bicol Budget Ngayong 2020 Inaasahang Magbibigay Benepisyo sa mga Magsasaka at Trabaho sa 5 Libong Katao
Facebook Comments