Dumepensa ang Commission on Election (COMELEC) sa tuluyang pagkansela ng poll body sa Certificate of Candidacy (COC) ni Datu Pax Ali Mangudadatu na tumatakbong gobernador ng Sultan Kudarat.
Sa walong pahinang resolusyon ng COMELEC en banc, ibinasura nito ang motion for reconsideration na inihain ni Mangudadatu hinggil sa nauna nang desisyon ng COMELEC First Division na nagkakansela ng kanyang kandidatura sa eleksyon.
Dalawang petisyon ang nauna nang inihain laban kay Mangudadatu dahil sa sinasabing false representation o paglalahad nito sa kanyang COC na residente siya ng Sultan Kudarat sa loob ng isang taon at walong buwan bago ang eleksyon.
Gayunman, iginiit ng mga petitioner na alkalde ng Datu Abdullah Sangki na taga-Maguindanao si Mangudadatu.
Sinabi ng COMELEC na walang naiprisintang matibay na batayan si Mangudadatu sa kanyang mosyon para mabaligtad ang desisyon ng First Division na nagkakansela sa kanyang COC.