Abswelto na sa isinampang kaso sa Sandiganbayan si dating Caloocan City 2nd District Congresswoman Mitch Cajayon-Uy.
Sa 92-pahinang desisyon ng Sandiganbayan acquitted na si Cajayon sa mga kasong 2 counts ng graft na may kinalaman sa malversation of public funds at falsification of public documents.
Idinawit ang dating mambabatas sa umano”y maling paggamit ng sampung milyong pisong pondo mula sa Priority Development Assistance Fund o PDAF noong siya pa ang kongresista sa Caloocan noong 2009.
Ikinatuwa ni Cajayon ang unanimous na desisyon ng anti-graft court na nag- base lamang sa mga iprenisintang ebidensya.
Sa ngayon vindicated na umano siya sa isang political persecution.
Facebook Comments