Ipinahayag ng Department of Education (DepEd) na masyado pang maaga para sabihin na nagkaroon ng anomalya sa nasabing pagbili mga laptop noong March 2022 ng mga nakalipas na administrasyon.
Ayon kay DepEd Spokesman Atty. Michael Poa, kasalukuyang gumugulong pa ang imbestigasyon sa pagbili ng mga laptop sa ilalim ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).
Ani Atty. Poa, kasalukuyang pinoproseso na ng DepEd at PS-DBM ang mga hinihingi na documentary requirement ng Commission on Audit.
May ibinigay rin ang Commission on Audit (COA) na period of time para isumite nila ang mga hinihingi na mga dokumento.
Pinatitingnan na rin ng DepEd kung pasok pa sa warranty period ang naturang mga laptop upang malaman kung maaari pa itong palitan ng supplier.