IRR para sa pagpapatupad ng Vape Law, pina-plantsa na ng DTI

75

Inihahanda na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Implementing Rules and Regulations o IRR para sa Vape Law.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo na sisimulan na nila ang konsultasyon sa Food and Drug Administration (FDA) sa susunod na ilang araw.

Paliwanag ni Castelo, sa ilalim ng bagong batas ang DTI ang mangangasiwa sa pagpapatupad ng batas, pero pag may health concern sa vape products ay FDI ang sasagot dito.


Dagdag pa nito na kapag nakapag-usap na sila ng FDA ay ilalabas na nila ito for public consultation.

Nais daw nila na matiyak na maipatutupad nang maayos ang Vape Law.

Una nang nag-lapsed into law ang Vape Bill nitong nakaraang buwan, ibig sabihin na inililipat na ang kapangyarihan na i-regulate ang paggamit ng vape products, mula sa FDA patungo sa DTI.



Facebook Comments