Tricycle drivers at operators ng TODA Mangaldan ang naging benepisyaryo ng cash assistance sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE).
Nasa isang libo naman ang napamahagian ng nasabing cash assistance sa bayan.
Layunin nang naipamahaging cash assistance na makatulong sa mga tricy drivers at operators sa kanilang pandagdag gastos at perang maaaring makatulong sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.
Samantala, tiniyak naman ng ahensya na dumaan sa assessment at evaluation sa tanggapan ng DOLE ang mga nakatanggap.
Binigyang diin din ang paggamit sa natanggap na financial assistance na gamitin sa may kabuluhan at tamang gastusin. |ifmnews
Facebook Comments