Karagdagang rapid test kits, tinanggap ng BJMP- NCR mula sa WHO

Karagdagang 60 boxes o katumbas ng 1,500 pieces na Abbott Panbio COVID-19 Ag Rapid Antigen Test ang tinanggap ng Bureau of Jail Management and Penology National Capital Region (BJMP-NCR) mula sa World Health Organization (WHO).

Mismong si Dr. Rabindra Abeyasinghe ang WHO Representative to the Philippines, ang nag-abot ng donasyon kay Jail Chief Superintendent Luisito Muñoz, Regional Director of BJMPRO-NCR.

Magagamit naman ang mga rapid test kits sa regular na pagsasagawa ng rapid testing sa mga personnel sa BJMPRO-NCR partikular ang mga nagsasagawa ng jail inspections at greyhound operations sa mga jail facilities.


Layon nito na matiyak ang health at safety ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa panahon ng security inspection at greyhound operations.

Magugunita na ginawaran ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang BJMP-NCR Regional Office ng Safety Seal Certification dahil sa compliance nito sa standard health protocols in the workplace.

Facebook Comments