Kaso ng COVID-19 sa MRT-3, naibaba na lang sa dalawa

22

Dalawa na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa MRT-3.

Sa isang virtual presser, sinabi ni MRT-3 Operations Chief Engineer Mike Capati, ito’y mula sa 58 mga kaso na naitala noong January 15.


Ani Capati, nagpapagaling na lang ang isang MRT-3 personnel at isang maintenance crew.

Patuloy naman ang pag-iingat ng pamunuan ng MRT-3.

Istrikto pa ring ipinapatupad ang public safety protocol sa mga istasyon ng tren at sa mismong opisina ng MRT-3.

Facebook Comments