Kasong terorismo laban sa dalawang Aeta, binasura ng korte

Ibinasura ng korte sa Olongapo City ang kasong terorismo laban sa dalawang Aeta na unang kinasuhan sa ilalim ng Anti-Terrorism Law.

Sa desisyon ni Presiding Judge Melani Fay Tadili ng Olongapo City Regional Trial Court Branch 97, ibinasura ang mga kaso laban kina Japer Gurung alyas Ka Jepoy at Junior Ramos alyas Ka Jaypee.

Ang dalawa ay unang inakusahan na miyembro daw ng New People’s Army (NPA) at kinasuhan dahil sa pagkamatay ng isang sundalo sa engkwentro noong 2020.


Ayon kay Judge Tadili, bigo ang prosekusyon na mapatunayan na ang mga akusado ang nasa likod ng pagkasawi ng sundalo.

Inatasan din ang Bureau of Jail, Management and Penology (BJMP) na palayain na sina Gurung at Ramos.

Facebook Comments