LTO, nagbabala sa mga motoristang gumagamit ng wang-wang

Nagbabala ang Land Transportation Office (LTO) sa mga motorista na gumagamit ng wang-wang o sirena kahit hindi sila otorisado.

Ito ay matapos ang sunod-sunod na mga ulat na natatanggap ng ahensiya kung saan gumagamit ang ilang pribadong indibidwal ng wang-wang sa mga pangunahing kalsada.

Sa isang pahayag, sinabi ni LTO Officer-in-Charge Romeo Vera Cruz na maaaring maharap sa multa o pagkakakulong ang sinumang mahuhuling lalabag dito.


Sa ilalim ng batas, tanging ang law enforcement vehicles, mga ambulansiya, sasakyan ng pangulo, bise presidente, senate president, house speaker, at chief justice lamang ang pinapayagang gumamit ng wang-wang.

Facebook Comments