Mahigit 2-K katao, nasa EDSA People Power Monument para sa programa ng UPI

Patuloy na nadadagdagan ang mga dumadalo sa ikalawang araw ng Peaceful Rally for Transparency na pinangunahan ng United People’s Initiative (UPI) kahapon.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), as of 12NN mahigit 2,000 na ang bilang ng mga dumadalo sa rally dakong alas-12:00 ng katanghalian at patuloy pa itong nadadagdagan.

May namamahagi pa rin ng pagkain, tubig maging damit na may nakalagay na “justice and peace, transparency for a better democracy” sa harapang bahagi at transparency, accountability naman sa likod.

Dakong alas-12:00 kanina nang isara na sa mga motorista ang kahabaan ng White Plains dahil sa isinasagawang programa.

Muli namang binuksan ang EDSA bus lane sa tapat ng EDSA White Plains para maiwasan ang matinding traffic.

Una nang tiniyak ng QCPD na magiging mapayapa at maayos ang ikalawang araw ng kilos-protesta ng iba’t ibang grupo sa EDSA People Power Monument ngayong araw.

Ayon kay QCPD acting District Director Police Col. Randy Glenn Silvio, kahapon ay walang untoward incident na nangyari sa unang araw ng kilos-protesta.

Facebook Comments