Marawi rehabilitation, 50% nang tapos ayon sa TFBM

Nasa 50% na umanong tapos ang Marawi rehabilitation.

Ito ang iniulat ni Task Force Bangon Marawi (TFBM) Chairman at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Eduardo del Rosario matapos nang muli niyang pagbisita sa itinuturing na pangunahing Islamic City sa bansa na pinadapa ng bakbakan noong 2017 sa pagitan ng militar at Daesh inspired terrorist group.

Ikinalugod naman ni Del Rosario ang nakitang bilis ng pag-usad ng rebuilding process doon.


Kabilang sa mga ongoing projects sa Marawi na malapit nang makumpleto ay ang mga road network sa loob ng pinaka-apektadong area at ang mga permanent shelters na tinututukan ng National Housing Authority (NHA).

Facebook Comments