Sinuspinde ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng AstraZeneca COVID vaccines para sa mga may edad-60 pababa.
Ito ay matapos irekomenda ng Food and Drug Administration (FDA) ang temporary suspension sa paggamit ng bakuna ng AstraZeneca.
Ito ay matapos ang report ng European Medicines Agency na may kaugnayan sa nasabing bakuna ang blood clot sa utak at bumaba ang platelets ng ilang naturukan ng AstraZeneca sa Europe.
Nilinaw naman ni FDA Dir. Gen. Eric Domingo na hindi ito nangangahulugan na hindi ligtas o hindi epektibo ang bakuna.
Aniya, nais lamang nila na matiyak ang kaligtasan ng bawat Pilipino na tatanggap ng bakuna.
Tiniyak ng DOH at FDA na maingat na pinag-aaralan ng mga eksperto ang mga impormasyon para makabuo ng nararapat na hakbang sa paggamit ng bakuna ng AstraZeneca.
Nilinaw pa ng DOH na hanggang ngayon ay wala pa namang natatanggap ang National Adverse Events Following Immunization Committee na may insidente ng blood clotting sa mga naturukan ng AstraZeneca sa bansa.
Inaabangan din ng pamahalaan sa opisyal na gabay na ilalabas ng World Health Organization.