Pagpapadala ng newly hired nurses sa Myanmar, sinuspinde ng POEA

Pansamantalang ipinatigil ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang pagpapadala ng mga bagong hired na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Myanmar.

Kasunod ito ng nagaganap na tensyon sa nasabing bansa kung saan una na ring nagpalabas ng isang resolusyon ang Department of Foreign Affairs (DFA) kung saan nakalagay ang Level 2 na state of alertness.

Pero paglilinaw ni POEA Administrator Bernard Olalia, may ilan pa ring mga Pilipino ang papayagang magtungo sa Myanmar.


Kabilang dito ang mga tinatawag na balik-manggagawa.

Sa ngayon, nananatili pa rin ang tensyon sa Myanmar matapos palitan ng militar ang pangangasiwa sa bansa dahil sa coup.

Facebook Comments