PRC bakuna bus, iikot sa kada brgy. sa Malabon City

Susuyurin ng Philippine Red Cross bakuna bus ang 21 barangay sa Malabon upang makatulong sa layunin ng gobyerno na nabakunahan kontra COVID-19 ang bawat Pilipino.

Alas-9:00 kanina nang magsimula ang bakunahan sa Potrero, Malabon kung saan nasa 300 residente ang target mabakunahan.

Ayon kay Jeannie Sandoval ang Chairman ng PRC Malabon, 50 sa babakunahan ngayong araw ay 1st dose ng Janssen habang 250 ang nakarehistro para sa booster shots.


Simula ngayong araw hanggang June, iikunitin nila ang 21 brgy. sa Malabon gamit ang PRC bakuna bus.

Aniya, para sa mga interesado ay makipag-ugnayan lamang sa kanilang brgy. para mapabilang sa listahan.

Samantala, kabilang si PRC Malabon Chairman Sandoval sa binakunahan ng booster shots at wala naman siyang naramdamang adverse effect.

Facebook Comments