Send-off ceremony, isinagawa ng Supreme Court Office of Court Administrator sa bagong hirang na si Associate Justice Midas Marquez

Nagsagawa ng send-off ceremony kay bagong Supreme Court Associate Justice Jose Midas Marquez ang mga empleyado ng Office of Court Administrator ng Korte Suprema.

Si Justice Marquez kasi ay matagal na nagsilbing Court Administrator ng Supreme Court bago nahirang na Mahistrado.

Si Marquez ay ika-192 Associate Justice ng Korte Suprema.


Pinalitan niya si Justice Edgardo L. Delos Santos.

Si Marquez ay 55-anyos pa lamang kaya magsisilbi pa ito ng 15 taon sa Hudikatura at magreretiro sa taong 2036.

Facebook Comments