Tatlo, patay sa pamamaril sa Fort Bonifacio, Taguig City kaninang umaga

1587

Patay ang tatlong katao matapos ang pamamaril ng hindi pa nakikilalang suspek na nangyari sa lungsod ng Taguig kaninang umaga.

Ayon sa Taguig Police Substation 1, naganap ang insidente pasado alas-3:20 kaninang madaling araw sa isang transient house sa Block 5, Zone 1, Barangay Fort Bonifacio, Taguig.

Nakilala ang mga biktima na si Marie Angelica Belina, isang Overseas Filipino Worker (OFW) at residente ng Calapan City, Mindoro.


Patay din sa insidente sina Mark Ian Desquitado, isang Grab driver at Tashane Joshua Branzuela isang estudyante.

Nadala pa sa Taguig Pateros District Hospital ang biktimang si Branzuela pero idineklara din itong dead on arrival.

Ayon sa isang testigo, nasa loob siya ng tinutuluyang transient house nang makarinig ng putok ng baril at kalaunan ay nakita na ang mga nakabulagtang katawan ng mga biktima.



Patuloy namang hinahanap ng mga awtoridad ang suspek na isang lalaki.

Facebook Comments