Wednesday, November 25, 2026

VP Sara, kinuwestiyon ang pagbasura ng Korte Suprema sa habeas corpus petitions sa pag-aresto kay FPRRD

Hindi sinang-ayunan ni Vice President Sara Duterte ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang consolidated habeas corpus petitions na kumukuwestiyon sa pag-aresto sa amang si dating pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang pahayag, sinabi ni VP Sara na walang dayuhang hukuman o ibang bansa na dapat manaig sa soberanya ng Pilipinas.

Kaugnay nito, hindi rin aniya dapat basta na lamang ibasura ang petisyon bilang moot lalo na kung may kinalaman ito sa national sovereignty, constitutional accountability at tungkulin ng pamahalaan na protektahan ang buhay at kalayaan ng bawat Pilipino mula sa pakikialam ng mga dayuhan.

Sinabi ito ni VP Sara isang araw matapos ilabas ng Korte Suprema ang desisyon na nagbabasura sa mga petisyon ng kaniyang mga kapatid kasunod ng pag-aresto sa dating pangulo at pagpapadala sa kaniya sa International Criminal Court (ICC) noong March 2025.

Una nang sinabi ng kampo ng petitioners na maghahain sila ng motion for reconsideration para hilinging pag-aralan muli ang ruling.

Facebook Comments