Tatlong personalidad kabilang ang isang lola at menor de edad, arestado sa iligal na droga sa Pasay City

225

Kalaboso ang tatlong personalidad kabilang ang isang lola at menor de edad matapos na maaresto sa isinagawang buy bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa No. 51 Saint Mary Luz Street Barangay 127 Zone 13 Pasay City.

Kinilala ang mga suspek na sina Evelyn Villagomez 68 anyos, alyas Racela 14 anyos at Jonalyn Garnaba, nakatakas naman si Sulficio Tolentino.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Pasay PNP, nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek habang nakatakas naman ang kasamahan nilang si Sulficio Tolentino.


Narekober sa mga suspek ang 9 na pirasong plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu at ₱300 na ginamit bilang buy bust money.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments