Trial online voting, ikakasa ng COMELEC ngayong linggo

Magkakasa ang Commission on Elections (COMELEC) ng trial online voting kasama ang American firm na Voatz.

Sa nasabing trial, inaasahang lalahok ang nasa 671 volunteers na pawang web-based o sa pamamagitan ng mobile application.

Magsisimula ito ng sa Sabado, Setyembre 11 ng alas 8:00 ng umaga hanggang Setyembre 13 sa kaparehong oras.


Habang ang bilangan ng boto ay gagawin dalawang oras pagkatapos ng pagsasara ng voting period.

Samantala, nakatakda ring magsagawa ng kanilang online voting test ang election system providers na Indra Sistemas at Smartmatic sa mga susunod na linggo.

Bagama’t imposible pang gawin ngayong darating na eleksyon, inihayag ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na indikasyon ito na bukas sila sa lahat ng paraan para abutin ang mga Filipino voters sa iba’t ibang panig ng mundo.

Facebook Comments