Cauayan City, Isabela-Nagbalik-loob na sa pamahalaan ang dalawang (2) amazona ng New People’s Army (NPA) matapos isuko ang sarili sa kasundaluhan ng 95th Infantry Salaknib Battalion at kapulisan sa Isabela.
Kinilala ang mga ito sa alyas na ‘Grace’ na kabilang sa katutubong agta na asawa ng naunang boluntaryong isinuko ang sarili at itinuturing na ‘revolutionary family’ kung saan tatlo (3) sa kanyang mga kapatid ay dating miyembro ng armadong grupo.
Kabilang ang isang kapatid nito na amazon ana nauna nang sumuko sa kasundaluhan at ang isa naman ay namatay matapos makaengkwentro ang kasundaluhan ng 86IB sa bayan ng San Guillermo, Isabela noong 2019.
Ayon kay Grace, iminulat sa kanila ng NPA na ang sugatan nitong kapatid ay pinatay ng mga kasundaluhan kung kaya’t tumatak sa isip nito ang galit sa kasundaluhan subalit nabago ang kanyang pananaw ng bumaba ngayong 2020 ang isang bise platoon kumander na si Bombo na isa ring Agta.
Kasama ni Bombo ang kapatid ni @ grace sa engkuwentro at ayon sa kanya ang mga kasama nilang NPA ang nagbigwas sa kapatid ni @Grace sa kagustuhan ng mga kadre na hindi makuha ng kasundaluhan upang mapagamot. Ang rebelasyon ng dating kumander ang dahilan kung bakit nagbago ang pananaw ni Grace sa kasundalohan at kapulisan sa Probinsya ng Isabela.
Gayundin si alyas Lita, isa ring amazon ana boluntaryong isinuko ang sarili sa gobyerno kung saan nauna nang sumuko ang kanyang asawa.
Ikinuwento nito na ang pagpasok nya sa UGMO noong 2015 at naging kabahagi ng matagal noong 2019 bilang isang S4 o Scuad Supply Officer at pagkaraan ng ilang buwan ay nagdesisyon itong tumigil sa pakikibaka laban sa pamahalaan.
Isa rin na former rebel si alyas Jack na tumulong sa kasundaluhan ng 95IB at kapulisan ng Probinsya ng Isabela upang makuha ang dalawang matataas na kalibre ng baril ng NPA.
Ang kapulisan ng 1st PMFC, PNP San Mariano at iba pang PNP yunit katuwang ang mga kasundaluhan ay umakyat sa Sierra Madre mountain range upang makuha ang mga nakatagong baril ng terroristang NPA.
Sa ngayon, ang kasundaluhan at kapulisan ay nagtutulungan upang mai-enroll ang mga nagbalik-loob na amazona sa ECLIP ng Pangulo at binigyan narin sila ng pagkakataon na maisama sa Alternative Learning System o ALS na kasalukuyang pinapatupad ng DepEd sa mga dating rebelde na nagbalik-loob sa gobyerno.