Cauayan City, Isabela – Ideneklarang drug free na ang dalawang bayan dito sa Lalawiga ng Isabela.
Ito ay ang mga bayan ng Maconacon at Divilacan, Isabela.
Ito ang pahayag ni PDEA Regional Director Laurefel Gabales sa isinagawang pagpupulong ng Regional Peace and Order Council Meeting (RPOC) na ginanap sa Lungsod ng Cauayan kahapon ng Disyembre 21, 2017.
Ayon sa naturang opisyal tumaas na rin umano ang halaga ng shabu na ibinebenta dito sa lambak ng Cagayan mula dating P 7,000 kada gramo ay umaabot na ngayon sa P 13, 000.00.
Nangangahuligan na bumaba ang supply ng ipinagbabawal na gamot dito sa rehiyon dos dahil narin sa pagkakalansag ng ilang kilalang personalidad na sangkot sa droga at dahil din sa mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan.
bahagi pa ng kanyang report sa RPOC ang pagkakalansag ng Uclos Brothers sa Ballesteros, Cagayan na dekada nang untouchable sa naturang lugar sa kanilang pangangalakal sa droga.
Sabi pa ng direktor na marami nang mga drug personalities ang takot at nagtatago na dahil sa kampanyang ito.
Bagamat aminado na kulang ang kanilang mga tauhan ay naniniwala siyang tuluyan ding masusugpo ang illegal na droga sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lahat ng ahensiya ng gobyerno at mga mamayanan nito.