Cauayan City, Isabela – Dalawang estudyante ang kaagad na naaresto matapos
maaktuhan na nagtitinda ng ipinagbabawal na gamot o shabu sa oras na 4:30
ng hapon, March 18,2018 sa San Fermin, Cauayan City, Isabela.
Sa impormasyong ibinahagi ng Investigation Section PNP Cauayan City,
nakilala ang mga estudyante na sina Eljohn Segundo Bello aka “EJ”, 19
anyos, walang asawa at residente ng Barangay 3, San Mateo, Isabela at
Artemio Dona Bumanglag aka “Guding”,20 anyos, walang asawa na residente rin
sa naturang lugar.
Naaresto ang dalawa sa isinagawang buy bust ng pinagsanib na pangkat ng
operatiba mula sa City Police Station, IPPO,PIB DEU at PDEA SIQ kung saan
unang namanmanan ang dalawa na paulit-ulit na nagtutulak ng droga kung
kayat isang pulis ang nagpanggap na buyer ng mga suspek.
Nakuha mula kay Bello ang isang maliit na plastik sachet na naglalaman ng
puting crystalline substance na pinaniniwalang shabu, Php 1,000.00 bilang
marked money, isang mamahaling cell phone at isang lighter samantalang
nakuha naman sa pag-iingat ni Bumanglag ang isang maliit na plastik sachet
na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaniniwalaang shabu, Php
140.00, isang mamahaling cell phone, Non-professional driver’s license, Sun
Residences I.D., isang unit ng Yamaha Mio Soul 125 kulay puti/pink na
walang plaka.
Dinala ang dalawang estudyante sa himpilan ng PNP Cauayan City at
inihahanda na ang kanilang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive
Dangerous Drugs Act.