Dalawa ang Nasawi kabilang ang Isang Menor de edad sa umano’y drag racing ng mga kabataan sa Arenas Boulevard, Brgy. Bued, Calasiao, Pangasinan.
Ayon sa imbestigasyon ng Calasiao PNP, bandang ala una trenta ng madaling araw ng February 8, 2025 nang mangyari ang insidente.
Binabagtas umano ng 17 anyos na lalaking sakay ng motor nito ang kahabaan ng bypass road nang salubungin ito ng Isa pang 25 anyos na rider.
Dito na nagbanggaan ang dalawa at parehong tumilapon sa kalsada.
Nagtamo ng malalang sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang dalawang biktima at naitakbo pa sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival.
Nakuhanan pa ng video ang naturang salpukan ng dalawa at sinasabi umanong Karera ito ng motorsiklo kung kaya’t nangyari ang aksidente.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng awtoridad kung drag racing nga ba ang naging dahilan ng aksidente.
May Paalala naman ng kapulisan sa mga motoristang dumadaan sa naturang kalsada. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨