2 katao, patay sa rambol ng dalawang gang sa Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa

Manila, Philippines – Dalawang katao ang patay habang 15 ang sugatan nang magkaroon ng riot sa pagitan ng mga miyembro ng bahala na gang at sputnik sa loob ng Metro Manila District Jail (MMDJ) sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Ayon kay Fronstone Dang-Iw, Chief Community Relation Service ng National Capital Region ng BJMP – tig-isa ang namatay sa parehong mga gang dahil sa saksak at head injury.

Nangyari ang naturang riot bandang 6:50 kagabi at ang itinuturong dahilan ng away ay ang mahigit isang linggo ng walang kuryente sa kulungan.


Anim sa mga sugatan ang seriously injured na dinala sa Taguig Pateros District Hospiral habang ang iba naman ay nagtamo ng minor injuries na dinala naman sa medical infirmary ng MMDJ.

Sa kasalukuyan, naka-lockdown at nasa red alert status ang kulugan kung saan ang mga nakakulong ay nakahiwalay base sa kinabibilangan nilang gang.

Hindi rin muna nagpapasok ng mga bisita sa kulungan.
DZXL558

Facebook Comments