Babae sa China – for sale ang sarili sa social media

China – Ibinebenta ng isang babae ang sarili nito, gamit ang isang sikat na social media application.

Ayon kay Cao Mengyuan ng Gaozhou City – ginawa niya ito dahil nais niyang matulungan at maipagamot ang kaniyang ina na may sakit na cancer.

Nabatid na kinakailangan ng kaniyang ina ng aabot sa 350,000 yen o katumbas ng mahigit dalawang milyong piso para maipagamot ang ina.


At sa kadahilanang kapos sila sa pera, napag-desisyonan na niyang ibenta ang kaniyang sarili sa online.

Umaasa naman ang nasabing babae na may kumuha sa kanya.
DZXL558

Facebook Comments