2 LALAKI, PATAY MATAPOS SUMALPOK ANG SINAKYANG MOTORSIKLO SA TULAY

Dead on the spot ang drayber ng isang motorsiklo habang binawian din ng buhay sa ospital ang angkas nito nang aksidenteng sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa tulay na bahagi ng barangay Manaring sa Lungsod ng Ilagan.

Kinilala ang drayber ng motorsiklo na may temporary plate number na 0201-1300931 na si Joshua Agregado, 25 taong gulang, magsasaka at backrider nito na si Mark Bryan Cabanag, 28 taong gulang at kapwa residente ng brgy. Alinguigan 1st, City of Ilagan, Isabela.

Sugatan naman ang isa pang angkas na si Jonathan Gabuyo, 20 taong gulang, estudyante at residente rin ng barangay Alinguigan 1st.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang insidente, bumabaybay sa kalsada ang mga biktima lulan ang Yamaha Sniper at nang makarating sa pakurbang bahagi ng daan ay nawalan ng kontrol ang drayber kaya dumiretso at sumalpok sa concrete railings ng Pasa Bridge.

Nahulog sa tulay ang drayber ng motorsiklo at idineklarang dead on the spot habang dinala naman sa ospital ang dalawang angkas subalit habang nilalapatan ng lunas si Cabanag ay tuluyan din itong nasawi.

Kasalukuyan namang nagpapagaling si Gabuyo matapos na makaligtas sa aksidente.

Facebook Comments