2 lalaking tambay sa Makati, arestado dahil sa droga

Habang nagpapatrolya ang mga otoridad ng Police Station 9 ng Makati City, mula alas-dose hanggang alas-2:30 kaning madaling, dalawang lalaki ang kanilang na aresto dahil sa droga.

Unang inaresto si Christian Dame Mateo Mones, 19-anyos.

Batay sa pulis report, nakita ng mga nag papatrolyang police ang suspek sa may kahabaan ng upper Azucena St. ng nasabing Barangay na may hawakhawak na isang sachet, nang lapitan nila ito, doon nila napagalaman sa shabu pala ang dala ng suspek na may katumbas na halabaga na 5,000.00.


Pasado alas-2:30 naman nang sitahin ng mga Police si John Paul Cabase, 22-anyos, dahil sa paglabag ng city ordinances na smoking in public places sa upper Calachuchi St, pero nang kapkapan ng mga otoridad ang suspek, nakuha sa kanya ang nagkakahalagang 3,000.00 ng shabu.

Nakakulong na ang mga suspek sa Makati Police Station 9 at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments