*Cauayan City, Isabela*-Patuloy ang isinasagawang retrieval operation ng mga awtoridad sa dalawang mangingisda na nawala sa karagatang sakop ng Calayan Island sa Cagayan sakay ng motorized banca ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Ayon kay P/Capt. Cherie Bartolome, Hepe ng PNP Calayan, simula noong nakaraang biyernes, Enero 10, 2020 ng pumalaot sa karagatan ang dalawang mangingisda na kinilalang sina Norman Gumarang at Joel Pedronan, kapwa 25 anyos at residente ng Dilam, Calayan, Cagayan.
Inalerto naman ang lahat ng pulisya sa mga coastal town ng Isabela, Cagayan at Batanes sa posibleng pagkakarekober sa katawan ng mga biktima.
Tumulong na rin sa paghahanap ang Philippine Coast Guard, Tactical Operations Group 2 at LGU Calayan sa posibleng pagkakarekober ng katawan ng dalawang biktima.