2 milyon na tourist arrival target ngayong taon sa isla ng Boracay, naabot na

Kalibo, Aklan — Naabot na ng Caticlan Jetty Port ang target na 2 milyon tourist arrival sa isla it Boracay ngayong taon.

Sa report ng Municipal Tourism Office (MTO) Malay na naka record sila ng 986,85 na numero sa mga foreign tourist; 972,994 sa domestic at 42,060 na mga OFWs kung saan may kabuuang 2, 001, 904 na mas mataas ito ng 16 porsyento sa total noong nakaraang taon.

Nangunguna pa rin ang nasyong China sa may pinakamaraming nagbisita na may 342,419 sinusundan ito ng Korea na may 321,780; Taiwan 38,890; U.S.A. 20,541; Malaysia 19,023; United Kingdom 15,385; Saudi Arabia 15,333; Australia 13,606; Russia 12,183 at Germany na may 7,784.


Napag alaman na isang Filipino-American ang ika 2 milyon na turista ang pumasok sa Caticlan Jetty Port.

Samantala, target naman ng gobyerno probinsyal ng Aklan sa ngayong taon 2018 ang 2.3 milyon tourist arrival.

Facebook Comments