2 miyembro ng bukas kotse gang, patay sa engkwentro

Quezon City – Patay ang dalawang hinihinalang miyembro ng basag kotse gang matapos makaengkwentro ng mga awtoridad sa Barangay Greater Fairview, Quezon City.

Ayon kay QCPD Director Chief Superintendent Joselito Teodoro Esquivel Jr., positibong nakilala ng biktima ang dalawang suspek na nambasag ng salamin ng kaniyang sasakyan at nanutok ng baril sa kaniya.

Sabi naman ni Superintendent Benjamin Gonzales Gabriel Jr, hepe ng QCPD Station 5, imbes na sumuko pinili ng mga suspek na manlaban na nauwi sa kanilang kamatayan.


Narekober sa mga suspek ang dalawang 38 revolver at ang ninakaw na laptop ng biktima.

Facebook Comments