2 motorcycle rider, patay matapos mabangga ng trak sa Caloocan

Manila, Philippines – Patay ang dalawang hindi pa nakikilalang motorcycle rider matapos mabangga ng truck sa Quirino Highway Extension sa Barangay 185, Caloocan City.

Ayon sa truck driver na si Jommel Nuevo, nag-overtake ang motorsiklo sa lane ng minamaneho nitong truck na galing sa Marilao, Bulacan.

Nahirapan namang prumeno agad ang truck dahil sa madulas na kalsada bunsod ng malakas na ulan.


Nasa kustodiya na ng pulisya si Nuevo at kakasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide.

Facebook Comments