2 nasawing drug suspek sa Laguna, hindi biktima ng extrajudicial killings- PNP chief

Lumabas sa imbestigasyon ng Philippine National Police Internal Affairs Service o PNP-IAS na hindi nasawi sa pang-aabuso ng mga pulis o extrajudicial killings ang dalawang drug suspek sa Laguna noong June 16.

Ito ang inihayag PNP chief. Guillermo Eleazar matapos ang una nang reklamo ng pamilya ng mga nasawing drug suspek na sina Antonio Dalit at kasama nitong si Jhondy Maglinte Helis sa Biñan City na pinahirapang patayin ng mga pulis sa Laguna ang dalawang suspek.

Ayon kay PNP chief, na sa inilabas na resulta ng imbestigasyon ng IAS, muling napatunayan na walang katotohanan ang mga paratang na may drug-related operations ang PNP na may bahid ng pang-aabuso gaya ng gustong palabasin ng iba.


Giit ni PNP chief, ipinangako niya sa kanyang pamumuno sa PNP na siya ay magiging patas sa paghawak ng mga kaso ng kanyang mga tauhan na may kasong pang-aabuso.

Dagdag pa ni Eleazar, mabilis silang umaksyon sa mga pang-aabuso ng ilan sa kanilang hanay pero tinitiyak din aniya nila ang proteksyon ng napakaraming mabuting pulis sa kanilang hanay na ginagawa lamang ang sinumpaang tungkulin.

Facebook Comments