2 Nigerians KINALAWIT sa KAWIT, Cavite, sa Combined Drug Ops ng PDEA CamSur/RO5/RO4A

Dalawang foreign nationals ang nasakote ng pinagsamang pwersa ng PDEA CamSur sa pamumuno ni Provincial Director Vidal Bacolod, PDEA RO5 sa pangunguna ni Director 2 Christian Frivaldo at PDEA RO4A sa pangunguna ni Dirctor 3 Archie Grande.
Kinilala ang dalawa na sina Solomon Lewi Anochiwa, edad 34, may asawa at residente ng Lancaster New City Subdivision, Kawit, Cavite at Desmond Chima Ozoma, edad 35, may asawa at residente ng Raya Garden, Bicutan, Paranaque City. Silang dalawa ay pawing mga Nigerian nationals.

Ganap na 12:15 ng madaling araw kanina, inaresto ang dalawa matapos bentahan ng nasa isang kilong shabu ang PDEA Agent na nagkunwaring buyer sa Centennial Road sa Kawit, Cavite.

Ang drug operation ay naisakatuparan sa pamamagitan ng impormasyong ibinigay ni Olivia Encinas, isa sa apat na mga nadakip nitong nakaraang Sabado sa Almeda High-Way sa Naga City. Kasama ni Encinas sina Rodigundo Celis y Parajes, Joel Saut y Alpanuso at Alvin Andaya y Saut na lulan pa ng taxi galing kamaynilaan para magdeliver ng nasa isang kilong shabu na nagkakahalaga din ng nasa isang milyong piso sa isang PDEA CamSur asset na nagkunwaring buyer.


Kasama mo sa balita, RadyoMaN Paul Santos, Tatak RMN!

Photos from PDEA CamSur

Facebook Comments