2 patay 3 huli at dalawa nakatakas sa drug raid sa Pikit

Pikit, Cotabato – Bagsak sa kamay ng mga otoridad ang tatlong individual na kapwa may asawa, habang dalawa ang nakatakas sa kamay ng Philippine Drugs Enforcement Agency o PDEA at dalawa naman ang patay sa implementasyon ng search warrant. Sabado ng madaling araw enero a 27 sa taong kasalukuyan.
Kinilala ni PCI Romy Du-ot Castañares, hepe ng Pikit Municipal Police Station ang mga nahuli na sina Johaina Ayunan Labarios, 25 anyos, may asawa at may limang anak at si Samer Talusan Samad, 40 anyos, at si Baina Abdullah Tauden, 62 anyos, may asawa, fish vendor na kapwa residente ng barangay Batulawan, Pikit, Cotabato, habang kinilala ang dalawang nakatakas na si Kadil Pagadatan at isang alias Bakwit na residente rin ng Barangay Batulawan, Pikit.
Habang patay naman ang dalawa makaraang manlaban sa oparating team mula Cotabato Provincial Police Office o CPPO at Regional Mobile Force Battalion o RMFB at Cotabato Mobile Force Battalion o CMFB at SWAT team, sa nasabing magkahiwalay na Search Warrant na isinagawa naman sa Sitio Punol, Barangay Batulawan, Pikit, at kinilala ang dalawang namatay na sina Andamen Kanda Sapalon, 40 anyos, may asawa at si Esko Kanda Sapalon, 30 anyos, walang asawa na kapwa residente ng Sitio Punol, Barangay Batulawan, Pikit, Cotabato
Narekober sa dalawang namatay ang dalawang Unit ng kalibre 45 pistola at isang Unit ng 38 revolver at isang Unit ng Hand grenade at assorted ammunitions, Undetermined quantity of suspected shabu, at limang motorsiklo.
Sa impormasyon mula sa Pikit Mps, ikinasa ang Search warant No. 2018-026 to 2018-033 at 2018-061 to 2018-065 na issued ni Hon. Alandrex M. Betoya ng RTC 12, Branch 16 na nakabasi sa bayan ng Kabacan dated January 19, 2018
Agad naman dinala ang mga nahuli sa Crusado Medical Hospital sa bayan ng pikit para sa kanilang Medical Examination bago dinala sa pikit Municipal Police Station for proper disposition.(JESSIE ALI)

Facebook Comments