2 patay, 3 missing, 3 nailigtas sa pagkalunod sa speed boat sa Surigao Del Sur

Surigao Del Sur, Philippines – Dalawa ang patay, tatlo ang missing at tatlo ang nailigtas matapos hampasin ng malalaking alon ang sinakyan nitong fiber speed boat sa karagatan ng Lianga, Surigao Del Sur alas dos kahapon ng hapon.

Ayon kay PO2 Ricardo Bulongon Ng Lianga Municipal Police Station, patuloy pang pinaghahanap ng rescue team ang tatlong nawawala na sina Michael Tindoy; 21 anyos, Kevin Tindoy; 19 anyos at Lolong Umbayan; 16 anyos.

Habang ang dalawang napatay, kinilala na sina Ivan Tindoy; 9 anyos at Kristine Mae Tindoy; 13 anyos at ang tatlong nailigtas ay sina Cenon Cañete; 47 anyos, speed boat operator , Merjhon Lyn Cañete; 12 anyos at Meriam Mercidez Tindoy; 20 anyos na patuloy pang ginagamot ngayon sa Agusan Del Sur Provincial Hospital.
Sinasabing magkapatid at magpinsan ang mga biktima na parehong residente ng Brgy. Piglawigan bayan ng Esperanza, Agusan Del Sur na nagtungo sa pugad beach sa bayan ng Lianga para maligo pero habang nagbagbo-boating ay bigla silang hambalusin ng malaking alon dahilan ng pagkalunod.
Nation


Facebook Comments