2 Presidentiables at 3 Vice presidentiables, umatras sa kanilang kandidatura

Umabot na sa 2 Presidential aspirants, 3 sa pagka-bise presidente at 5 nagnanais maging senador ang umatras na sa pagtakbo sa Eleksyon 2022.

Kinumpirma ito ni Comelec Spokesman James Jimenez, kabilang na ang brodcaster na si Manuel Noli De Castro Jr., na una nang umatras noong October 12 at pinalitan ni Joseph Peter Sison noong October 18.

Ang iba pang umatras bilang senador ay sina Nur-Ana Sahidulla, Marianito Roque, Christopher Cruz at Ricky Pormiento.


Sa pagka-bise presidente, umatras noon pang October 10 si Raquel Castillo na pinalitan ni Walden Bello.

Wala pa naman opisyal na kahalili ang mga umatras na sina Antonio Valdez sa pagka pangulo at Bienvenido Lorque sa pagka-bise presidente ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino.

Binawi na rin ni Anna Velasco ang kanyang COC bilang kandidato sa pagka-presidente ng Lakas CMD kasama si Lyle Uy sa pagka bise president.

Pumalit kay Uy, si Mayor Sara Duterte bilang pagka-presidente.

Bagamat may mga inilagay sa certificate o statement of withdrawal bilang kahalili ang ilan sa umatras na kandidato.

Nilinaw ni Director Jimenez na hindi ito opisyal hanggang hindi naghahain ng COC bilang substitute ang mga tinukoy na personalidad

Facebook Comments