2 Rebelde, Sumuko sa Cagayan

Cauayan City, Isabela- Napasuko rin ng pinagsanib-pwersa ng kapulisan at kasundaluhan ang dalawang (2) miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Sto. Niño, Cagayan.

Nakilala ang dalawang sumuko na sina alyas “Jong” at “Milo”, kapwa residente ng Sitio Lagum, Brgy. Lipatan Sto. Niño, Cagayan.

Ang kanilang pagsuko ay bunga ng pagsisikap ng kapulisan ng 1st Provincial Mobile Force Company, 4th Mobile Force Platoon; 202nd RMFB; Regional Intelligence Unit 2-Intelligence Group; at ng 17th Infantry Battalion, Philippine Army.


Ibinunyag ni alyas “Jong”, taong 2010 nang mapansin nito ang bulto-bultong supply na ipinapadala sa kanilang bahay na kinukuha naman ng mga rebelde tuwing gabi.

Sumama din si Jong sa pangangampanya ng Anak Pawis Party list sa Brgy. Dunggan, Rizal Cagayan noong taong 2013.

Habang si alyas Milo naman ay na-rekrut noong 2002 at isa rin sa mga naging organizer noong taong 2004 hanggang 2016 upang ikampanya ang Anak Pawis party list.

Ang patuloy na pagtalikod ng mga miyembro ng NPA sa kilusan maging ang mga supporters nito ay malaking accomplishment ng mga tropa ng pamahalaan bilang suporta sa Executive Order 70 o NTF-ELCAC ng gobyerno.

Facebook Comments