2 sangkot sa Droga arestado ng DOS PNP

Himas rehas ngayon sa selda ng Datu Odin Sinsuat PNP ang 2 lalaki matapos masangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Kinilala ni DOS PNP COP PCINS Ackmad Alibonga ang mga naaresto na sina Arip Pendatu, 26 , residente ng Upi at Jojo Daligan Randa ,37 at residente ng Brgy. Bito DOS.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang pirasong sachet ng shabu sa isinagawang operasyon sa bahagi ng Taviran.


Nasampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 ang mga naaresto.

Kaugnay nito mas pinalakas pa ang kampanya kontra droga sa AOR ng DOS.(DENNIS ARCON)
GOOGLE PIC

Facebook Comments