2 SENIOR HIGHSCHOOL STUDENT, TIMBOG SA BUY-BUST OPERATION NG PDEA, PNP

20
Tinatayang nasa mahigit P100,00 na halaga ng Dried leaves marijuana ang nakumpiska ng mga awtoridad mula sa pag iingat ng dalawang senior high school student sa Abulug, Cagayan.

Nadakip ng PDEA at PNP ang dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Libertad, Abulug, Cagayan dakong 3:45 ng hapon nitong September 15, 2022 na sina Jeston Jake Soriano, 18 taong gulang, Grade 11, residente ng Calog Sur, Abulug, Cagayan at Johnn Carl Salvado, 17 taong gulang, Grade 12 at residente ng Lucban, Abulug, Cagayan.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang paper bag at box na nag lalaman na pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng nasa 850 gramo.

Nakumpiska din sa mga suspek ang 2 unit ng cellphone, 1 single motor, at buy-bust money.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments