Tuesday, April 7, 2026

2 suspek na nangholdap ng babaeng rider sa Tondo, arestado

Naaresto na ng mga tauhan Manila Police District (MPD) ang dalawang suspek na sangkot sa holdapan sa Road 10 sa Tondo, Maynila.

Nakuhanan ng video ang dalawang salarin na hinoldap ang isang babaeng rider madaling araw kanina.

Ipinresinta ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga suspek na sina Moises Alpero at Marlon Cabigting ngayong hapon kung saan positibo itong kinilala ng biktima.

Kwento ng biktimang si Patricia Lopez, tinutukan umano siya ng patalim ng mga suspek at sapilitang kinuha ang kanyang cellphone at pera.

Sa ngayon, pinayuhan ng alkalde ang biktima na ituloy ang pagsasampa ng kaso para mapanagot at maiwasan nang makapang biktima pa.

Facebook Comments