2 suspek sa pagbebenta ng illegal na droga nahuli ng PDEA sa Surigao City

2 suspek sa pagbebenta ng illegal na droga nahuli ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Surigao City. Kinilala ang mga nahuli na sina Erick Estrada y Altizo alias “Erick”, 26 taong gulang, naninirahan sa Purok Calachuchi, Brgy. Taft at Charles John Kaimo y Tambuli alias “Charles”, 24 taong gulang, mula sa Brgy. Washington, Surigao City. Nakuha mula sa kamay ng mga suspek ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu at isa pang sachet na napaloob ang tuyong dahon ng marijuana. Nahuli ang mga ito sa isang buybust operation sa may Navarro St. dito sa lunsod. Sina Estrada at Kaimo ang nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002.

Facebook Comments