
Naaresto na ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang suspek sa pagnanakaw at pagpaslang sa tatlong indibidwal sa Lal-lo, Cagayan, Philippines.
Ayon sa ulat, nakipagkita umano ang mga biktima sa mga suspek dahil sa inaalok umano nitong ginto, na balak sanang bilhin ng mga biktima.
Narekober mula sa mga suspek ang iba’t ibang uri ng baril, kabilang ang pistol, M16 rifle, at shotgun, gayundin ang mga magazine, live ammunition, bag, at cellphone.
Kaugnay nito, dinala ang mga naarestong suspek sa Buguey Municipal Police Station para sa tamang dokumentasyon at paghahain ng kaukulang kaso.
Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng nasabing krimen.
Facebook Comments










