2 teenager sugatan, matapos masangkot sa away – magkasintahan sa Makati

Makati City – Nang dahil sa selos, sugatan ang dalawang teenager matapos masangkot sa away-magkasintahan sa Marconi San Isidro, Makati.

Kinilala ang mga biktima bilang sina Jayson Azarraga, 19-anyos at isang menor de edad.

Kuwento ng saksi, pinagselosan ni Azarraga ang isang Angel Lagarto na nakita nitong kasama ng kanyang kasintahan kaya bigla niya itong sinuntok.
Nagtawag naman ng resbak si Lagarto mula sa dalawang hindi pa nakikilalang lalaki saka binaril ang biktima kung saan tinamaan ito sa tagiliran habang sa braso nasugatan ang kasama niya.
Nasa ligtas na kalagayan ang dalawa at nagpapagaling sa isang ospital sa pasay habang pinaghahanap naman ang mga suspek.


Facebook Comments