Nasa 20-milyong halaga ng Iphone units at iba pang dry goods ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port sa Tondo, Maynila. Ayon kay BOC Commissioner Nicanor Faeldon – isang Linggong isinailalim sa surveillance ang shipment kung saan nadiskubreng misdeclared ang naturang kargamento. Sa halip kasi na mga wall clock, shoe racks at sapatos ang laman ng kargamento, 400 piraso ang Iphones ang natagpuan dito. Naka-consign ang kargamento sa Autum Way Enterprises at kinilala ang custom broker nito an si Mario R. Botona Jr. Inihahanda na ng BOC ang mga kasong isasampa laban sa may-ari nito.
Facebook Comments