2018 SUZUKI CUP | Azkals nakuha ang ikalawang sunod na panalo

Kuala Lumpur, Malaysia – Umiskor ng tig-isang goal sina Phil Younghusband, Martin Steuble at Carlie De Murga para ibigay ang 3-2 panalo sa Philippine Azkals kontra Timor Leste sa pagpapatuloy ng 2018 Suzuki Cup sa Kuala Lumpur, Malaysia kagabi.

Binasag ni Younghusband ang nil-nil score sa 27th minute para ibigay ang lamang sa Azkals, 1-0. Ito ang 52nd goal all-time goal ni Younghusband para sa Pilipinas.

Limang minute pagkatapos, dinoble ni Steuble ang lamang ng Azkals sa kaniyang long range strike.


Ginawang 3-0 ni De Murga ang score matapos ang kaniyang header mula sa free-kick ni Kevin Ingreso.

Pero nagawa pang makabalik ng Timor Leste sa mga goal ni Nataniel sa 73rd at Joao Pedro sa 75th minute.

Kahit pangit ang pagkakapanalo, nasa ikalawang puwesto ang Azkals sa group B sa kanilang six points.

Facebook Comments